Ang Pamahalaang Lokal ng Gerona sa Pamumuno ng ating Mahal na Mayor Eclar ay Lubos at Taus Pusong Nagpapasalamat sa lahat po ng Nagbigay ng Tulong

Nakakataba ng puso ang nakikitang bayanihan ng mga Filipino sa pag kakataong ito, tunay nga pong hindi pababayaan ng kapwa nya Filipino sa mga panahon ng pangangailangan.

Ang Pamahalaang Lokal ng Gerona sa Pamumuno ng ating Mahal na Mayor Eclar ay lubos at taus pusong ngpapasalamat sa lahat po ng nagbigay ng tulong lalung -lalo na po sa mga anonymous donors at sa lahat po ng ngbigay ng serbisyo, sa lahat po ng mga nakikiisa sa layunin na makatulong at sa mga patuloy na nagdarasal para sa kapakanan at kaligtasan ng mga salanta sa Batangas dahil sa pagputok ng Bulkang taal.

Naihatid po ng maayos ang inyong mga tulong sa evacuation ng Sto Tomas, Batangas , ipinaabot din po ng Pamahalaan ng Batangas ang pasasalamat sa inyong tulong.

Muli po maraming salamat, nawa’y biyayaan pa po kayo ng ating Mahal na Panginoon ng mas maraming biyaya para po mas makatulong pa sa nakararami at nangangailangan.

Click the link below to watch the video:

https://www.facebook.com/GeronaSerbisyongTotoo/videos/2173819786259664/

Tell your friends!

POWERED BY:

Copyright © 2020. Municipality of Gerona, Province of Tarlac. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!