Schedule ng Pagpunta sa Sementeryo

PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT

PANSAMANTALANG PONG ISASARA ANG LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG SEMENTERYO AT COLUMBARIUM SA BUONG BANSA SIMULA OCTOBER 29-NOVEMBER 4, 2020.

Ang mga sumusunod po ay ang schedule ng pagpunta sa mga sementeryo sa bayan ng Gerona mula October 22-28, 2020. Ito po ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga darating na araw, mapanatili ang kaayusan at upang maipatupad ang social distancing para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.

Ang mga CEMETERY SCHEDULE PASS ay ipapamigay ng inyong Barangay Council sa bawat tahanan.

Ipinapaalala din po ang mga sumusunod:

• 30% lamang ang kapasidad na bisita ang papayagang makapasok, dapat siguraduhing nakaface mask at face shield, at ipapatupad ang social distancing;

• Bawal ang pagtitinda ng pagkain, inumin at iba pa;

• Bawal ang pagdadala at pagtatayo ng tents;

• Bawala ng pagdadala at pag- inom ng mga alak;

• Bawal ang pagdadala at pag – gamit ng videoke at karaoke;

• Bawal ang pagdadala ng mga matulis na bagay gaya ng kutsilyo at iba pang sandata.

Hangad po namin ang inyong kooperasyon hingil dito.

Maraming Salamat po.

Tell your friends!

POWERED BY:

Copyright © 2020. Municipality of Gerona, Province of Tarlac. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!